Dibdib ng kelot wasak sa shotgun ng sekyu

WASAK ang dibdib ng isang lalaki, habang malubhang nasugatan ang isa pa matapos silang malapitang paputukan ng shotgun ng hindi pa nakikilalang security guard sa pakumpunihan ng barko sa Baradero Lachinal St., Daang Hari, Navotas City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang namatay na  si Jerry Hermoso Talamisan, 30 habang agaw-buhay naman sa Jose Reyes Memorial Hospital ang kasamahan nito na si Orbeto Cañeso Mahusay, 17, sanhi ng tama sa iba’t ibang parte ng katawan, kapwa ng Paltok, Barangay Daang Hari, nasabing lungsod.

Agad namang inatasan ni Sr. Supt. Florendo Quebuyin ang kanyang kapulisan na hanapin at arestuhin ang hindi pa nakikilalang salarin na nakatalaga sa nasabing compound.

Sa imbestigasyon ni PO1 Allan Bangayan, ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, dakong alas-tres ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa pagawaan ng barko sa F.L. compound na pag-aari ng negosyanteng si Leony Leoño.

Ayon sa ulat, pumasok umano ang mga biktima sa nasabing kumpunihan ng barko nang makita ng hindi unipormadong gwardiya.

Sa halip na sitahin ang dalawa, agad ikinasa ng guard ang service shotgun at malapitang pinaputukan ang una na ikinamatay agad ni Hermoso.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek habang ang mga biktima ay dinala sa nasabing pagamutan.

Patuloy sa isinasagawang imbestigasyon ang awtoridad sa motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply