Dilaw

DILAW ang gloves na sinuot ni Manny Pacquiao sa laban nya sa Las Vegas.

Simbolo daw ng pagkakaisa laban sa kahirapan.  Mayroon na agad ang nag-react – paano daw masosulusyunan ni Pacquiao ang gutom sa Pilipinas.

Pero marami rin ang humanga kay Manny sa pagbibigay nya ng tuon sa malalaking suliranin na kinakaharap ng Pilipinas.

Nasa Indonesia naman si Pangulong Noynoy Aquino sa meeting ng mga Presidente ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na ang isa sa mga top agenda ay ang usapin sa food crisis.

Nakaabang na ang marami sa magiging resulta ng ASEAN Summit, kung ano ang mapapagkasunduan ng mga bansa na sagot sa suliranin ng gutom at kahirapan.   Ang mismong problema ng kahirapan at ang pagtaas ng insidente ng gutom ang parang apoy na nagsisilab sa init ng usapin sa Reproductive Health at corruption.

Kaya daw maraming nagugutom ay dahil sobrang dami na ng tao at hindi dumadami, bagkus nababawasan, ang likas na yaman at natural resources na pinagkukunan ng pagkain. May isang ulat na nagsabi na ika-12 daw ang Pilipinas sa pinakamalaki ang populasyon sa buong mundo at sa huling bilang ay lagpas na sa 99Million ang dami ng mga Pilipino sa bansa. Kaya din daw maraming mahihirap at nagugutom ay dahil sa laganap na korapsyon.

Pero ano nga ba ang ginagawa ng pamahalaan sa pagtaas ng insidente ng gutom at pagdami ng mahihirap sa bansa?  May mga nagbibintang tuloy na baka ayaw ng mga pulitiko na mabawasan ang mahihirap dahil pinakikinabangan nila ang mga ito. Ang sakit naman ng bintang na ito.

Pero hanggang at walang malinaw na polisiya ang gobyerno na kung paano susugpuin ang gutom at kahirapan hindi maiaalis ang mga maaanghang na bintang na sinasamantala pa raw ng mga pulitiko ang kahirapan para sa kanilang sariling kapakanan.  Ano masasabi nyo mga kababayan ko?

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply