DILG nagpatulong vs bagong modus operandi

NAGPAPA-ALALAY ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay official para masawata ang bagong modus operandi ng mga kawatan na siyang kumakana sa mga jewelry shops, pawnshops, at sa mga bangko.

Sinabi ni Interior Secretary Jesse Robredo, nalaman niya ang bagong modus operandi sa pamunuan ng Chamber of Pawnshops of the Philippines Inc. (CPPI).

“Barangay officials should closely coordinate with and immediately report to the police any suspicious movements or persons roaming in areas near the said establishments so that authorities can undertake more in-depth surveillance and make the necessary arrests,” pahayag ni Robredo.

Humingi ang CPPI ng tulong sa DILG at sa Philippine National Police (PNP) sa pagpigil sa panghoholdap sa mga establisimyento sa pamamagitan ng pagsali ng mga barangay official.

Inihalimbawa ang impormasyong nagmula sa CPPI, sinabi ni Robredo na ang kapulisan at ang local officials ay kapwa maging alerto sa mga indibidwal na magrerenta sa mga bakanteng esblisimyento o business space sa gilid, sa ibabaw, o sa likuran ng isang pawnshop, bank o jewelry shop.

Aniya, umaatake ang mga grupong ito sa gabi lalo na sa mahabang katapusan ng linggo.

Sinisiimulan ng mga magnanakaw ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng pag-alis ng alarm systems at security cameras ng tinatarget na mga establisimyento at bubutasan ang magkadikit na pader para maging entry points nila gamit ang mga advanced equipment.

Kapag nasa loob na, bubuksan na nila ang vaults na naglalaman ng pera o alahas gamit ang portable acetylene.

Kung wala namang bakanteng espasyo na malapit sa tinatarget nilang establisimyento at kapag ang lokasyon ay malapit sa creek o waterways, ayon kay Robredo, ang mga kawatan ay gagawa ng daan sa malalaking drainage systems sa ilalim  ng kalsada na katapat ng tinatarget na establisimyento.

Dahil sa bagong modus na ito, inasatan ni Robredo ang lahat ng mga  barangay officials na siyang namumuno sa kani-kanilang Barangay Peace and Order Committees para pagalawin araw-araw ang kanilang mga tanod na mag-iikot sa gabi lalo na sa madaling araw.

Hinikayat din nito ang lokal na barangays na ipakalat ang mga impormasyon hinggil sa bagong modus operandi sa kanilang mga kabarangay, kabilang ang civil society organizations, para lumawak ang kaalaman ng publiko at suportahan ang pagsawata sa mga insidenteng tulad nito sa kanilang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply