Dingdong Dantes nilampaso nina Piolo at Coco

SA FASHION show ng isang produkto para sa Fashion Week, nagkasama sa isang stage ang dating magkasintahan na sina Dingdong Dantes at Karylle.  How true na nagdeadmahan sila?

Shout out ng isang Facebook friend na movie writer/radio host matabang na raw ang tao kay Dingdong: “Walkout kanina si Dingdong Dantes sa Fashion Show sa SMX Mall of Asia.. Hindi pinalakpakan ng audience.. Halos kapamilya lahat ang pinalakpakan gaya nina Piolo Pascual at Coco Martin.”

Hinahanap daw niya si Dingdong sa finale pero wala na ito. Hindi na bumalik sa stage.

Baka naman may ibang appointment pa ang actor kaya  hindi na nakasama sa finale. Baka naman crowd ‘yun ng Kapamilya fans kaya mahina ang palakpakan kay Dingdong?

Hindi kaya?

-0o0-

MUKHANG kasama sa pagmo-move-on ni Rich Asuncion ang pagiging cover girl ng FHM. Seksing-seksi siya sa naturang cover na parang nagsasabi kay Aljur Abrenica  ng “O, ano ngayon, tingnan mo ang ex mo.”

Naniniwala rin kaming hiwalay na ang dalawa  dahil nakita mismo ng dalawang mata naming magkasama sina Aljur at Kylie  Padilla at magka-holding hands pa na naglalakad.

Anyway, napapayag ni Rich ang  papa  niya na mag-sexy pictorial pero sa isang kundisyon na kasama siya sa photo shoot at babantayan siya.

Hindi naman bastusin ang naturang larawan ni Rich at siguradong madadagdagan na naman ang magnanasa sa kanya.

Tsuk!

-0o0-

KAARAWAN ngayong May 10 ng magaling na singer na si Lemuel Santos at bukas, Wednesday, May 11,  ay merong birthday concert sa Music Box, Timog na may pamagat na “Rated S.” Si Lemuel ay recording artist ng Concorde Records na kung saan may album, entitled “Mahal.”

Birthday wish ni Lemuel na magkaroon siya ng major concert at makasama ang mga sikat na singer.

“Sana magkaroon ako ng chance na makasama sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Martin Nievera at Ogie Alcasid. Sila po ang mga idols ko noon pa,” sey pa niya.

Wish din niya na mapadalas ang guesting niya sa TV.

“Break lang talaga ang kulang tito pero hindi sa pagmamayabang kaya ko namang makipagsabayan sa boses kina Jovit Baldovino at Jed Madela” sambit niya na pinaniniwalaan namin.

Pag gumawa raw siya ng kanta, gusto niyang ialay ito kay Angel Locsin. Noon pa raw ay crush na niya ito.

Anyway,  makakasama ni Lemuel sa kanyang birthday concert sa Music Box sina Gerald Santos, Faith Cuneta, Suy at si Marc Cubales. Pinaghandaan niya ang mga piyesa niya dahil meron siyang medley ng kanta ng Air Supply, Gary Valenciano at Martin Nievera.

Parang masasaksihan na naman namin ang palakpakan at hiyawan habang binabanatan niya ang mga kantang ito, huh!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply