Dingdong, Paolo nagpaplastikan kay Marian Rivera!

ANO ba Kuya? What’s the real score ba sa pag-ayaw ni Paolo Contis na makasama si Marian Rivera sa epicserye ng Siyete, ang “Amaya”? Totoo kaya ‘yung unang nabalita na ayaw ng aktor na makasama ang bida ng serye dahil sa hindi kagandahang pag-uugali as in, sobrang pagkamaldita nito?

Pero may tsikang nakarating sa amin na kahit may gan’ung tsika si Paolo sa aktres ay wala pa rin daw nabago sa friendship nila ni Dingdong Dantes.  Pinagtatawanan lang daw nila ang tsika dahil kasama na sa promo ng isang project ang mga negang publicity para ito pag-usapan.

Alam din daw ni Dingdong na intriga lang ‘yun sa dalawa dahil wala siyang alam na nag-clash ang temperament ng dalawa sa project na kanilang pinagsamahan.

But lately, may karagdagang bersyon kung bakit ayaw makasama ni Paolo ang aktres. Hindi umano nito nagustuhan ang role na ibinigay sa kanya.  Feeling niya ay ‘support’ lang siya sa mga bida as in, kokonti lang ang linya.

May dagdag pa, ayaw daw nitong magbahag sa mga eksena.  Kunsabagay, hindi siya bagay mapasama sa cast ng mga katutobo at magsuot ng bahag dahil mukha siyang Kastila.  Dapat lang daw, papel ng isang Spaniard ang ipaganap sa kanya.

Pero heto na ang pinakamatindi, kailangang umayaw siya sa Amaya dahil nataon ito sa panganganak ni Lian Paz ng kanilang second baby.

Ang tsika, gusto  daw nitong nasa tabi ng lovey-dovey habang umiiri at nakikita ang paglabas ng baby.  Grabe naman, in the first place, pangalawang panganganak na ito ni Lian at puwede namang humingi ng leave of absence si Paolo sa taping kung manganganak na talaga ang kanyang asawa.

Ano ba talaga Kuya?

Speaking of Dingdong, puwede pala siyang tumanggap ng gay role at talagang kampante siya sa pagsabing willing siya to portray such role.  Gan’un naman talaga ang isang aktor, walang pakialam kung anong role ang ibibigay sa kanya maging gay man ito kung sigurado siya sa kanyang sekswalidad.

Kaya lang, may limitasyon ang kanyang pagganap sa gan’ung klaseng role. Walang halikan ng kapwa lalaki.  Kuya, ano ba? ‘yan ang inaabangan ng mga manonood na bayot!

Anyway, ayaw raw niya sa mga eksenang halikan ng mga bida na nakita niya sa “Brokeback Mountain” pero pinanood pala niya ang nasabing movie.

Kunsabagay, it was a great movie to be missed.

Kay Dingdong pa rin, sa pagsalang nito sa ‘Don’t Lie To Me’ portion ng Showbiz Central noong Linggo ay inamin nitong hindi siya kontra sa pagpapa-sexy ni Marian sa pelikula at sa anumang cover ng glossy men’s magazine.

Hindi din daw siya magseselos kung may eksenang halikan ang aktres sa kanyang leading men dahil alam niyang trabaho lang at hinihingi sa script ang nasabing eksena.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply