Diokno dedesisyunan ni PNoy

AMINADO ang pinuno ng binuong fact-finding panel ng Department of Justice (DoJ) na siyang nag-imbestiga sa nabunyag na eskandalo sa New Bilibid Prison (NBP), na hindi nila maaring “galawin” si Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Ernesto Diokno.

Ayon kay panel chairman Justice Usec. Francisco Baraan III, bagama’t may rekomendasyon na silang nabuo laban sa mga jail officials na may pananagutan sa insidente, nasa Pangulong Benigno Aquino III pa rin umano ang desisyon sa kaso ni Diokno.

Bagama’t personal na naghain ng leave of absence si Diokno, pero nagmatigas ang opisyal na kusang magbitiw sa tungkulin.

Una na ring isinailalim sa 3-month preventive suspension ang mga guwardiya at ilang opisyal ng BuCor matapos mabunyag ang hindi otorisadong paglabas-masok sa kulungan ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste.

Kabilang sa pinatawan ng suspension without pay ay ang chief custodian ni Leviste na si Fortunato Husto, officer-in-charge Supt. Roberto Ramo, Chief Reserve Security Group Dante Cruz, police officer Wilson Marquez, at mga prison guards na sina Francisco Liwanag at Hilario Managitan.

Binanggit pa ni Baraan na saklaw lamang ng kanilang “level” ay ang kaso ng mga lower officials ng BuCor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply