BuCor Chief Diokno nag-resign na

KINUMPIRMANG tuluyan nang nagbitiw sa puwesto si Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Ernesto Diokno.

Ito ay kaugnay sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa paglabas-masok ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Nabatid na personal na isinumite ni Diokno ang kanyang resignation letter kay Pangulong Noynoy Aquino sa kanilang scheduled meeting sa Malacañang, Lunes ng ala-1:00 ng hapon.

Una rito, nanindigan si Diokno na wala siyang kasalanan sa malayang pagpuslit ni Leviste kung saan hindi naman daw niya malalaman ang lahat na galaw ng 22,000 preso sa maximum security pa lamang.

Kung maaalala, tiniyak ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi siya magdadalawang-isip na sibakin sa puwesto ang BuCor chief kung mabibigong maipaliwanag ng maayos ang iskandalo sa NBP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply