Diokno pinagbibitiw ni Jinggoy

IGINIIT ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada na dapat nang magbitiw sa tungkulin si  retired Chief Superintendent Ernesto Diokno bilang director ng Bureau of Corrections makaraang madiskubreng binibigyan nito ng pansamantalang kalayaan ang nakakulong na si dating Batangas governor Antonio Leviste.

Kasabay nito, hiniling ni Estrada ang imbestigasyon sa tinatawag na “VIP treatment” sa mga mayayaman at maimpluwensyang indibidwal na nakakulong sa National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

“This case again highlighted the persistent allegations that certain inmates are indeed being provided VIP treatment by jail officials,” ani Estrada.

Matatandaan na si Leviste ay nahatulang mabilanggo mula anim hanggang 12 taon ng Makati Regional Trial Court sa kasong homicide nang mapatay ang sariling aide na si  Rafael de las Alas noong Enero 12, 2007.

Subalit, umapela ito sa Court of Appeals at ang naging desisyon ay mapabilang si Leviste sa 109 inmates na malayang nakakalabas ng kulungan na walang bantay.

Nakapaloob sa desisyon ng CA na si Leviste ay sasailaim sa “living-out under minimum security status.”

Pero nitong Miyerkules, nakita si Leviste sa pag-aari nitong gusali sa Makati, LPL building na sinasabing pupunta sa kanyang dentista nang walang pass kung kaya agad na inaresto ng mga pulis at ibinalik sa kulungan.

Ayon sa Department of Justice, kahit kelan ay hindi pa sila nakakapagbigay ng pass kay Leviste para makalabas ito sa kanyang kulungan.

Sa pangyayaring ito, sinabi ng Malakanyang na mananagot ang lahat ng personnel na responsable sa pagbibigay ng VIP treatment kay Leviste.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply