Diokno pinasisibak sa puwesto

HINILING ni Senador Serge Osmena III kay Pangulong Benigno Aquino III na sibakin na sa puwesto si Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno dahil sa pagbibigay ng special treatment kay dating Batangas governor Antonio Leviste.

Ayon kay osmena, malinaw naman na may basbas ni Diokno ang paglabas ni Leviste mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Sinabi pa ni Osmena na hindi rason ang pagsakit ng ngipin ni Leviste para makalabas ito ng bilibid dahil kailangan munang kumuha ng court order para sa dental visit ng isang bilanggo.

Kumbinsido si Osmena na ”pera-pera lang” ang usapan sa mga mayayamang bilanggo para makalabas sila ng bilibid. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply