Diokno sumugod sa Malakanyang

NAPASUGOD sa Malakanyang si BuCor Director Ernesto Diokno matapos ipatawag ni Pangulong Benigno Aquino III para pagpaliwanagin sa paglabas-pasok sa New Bilibid Prison (NBP) ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste.

Si Leviste ay nakakulong sa Bilibid, makaraang  mahatulan ng anim hanggang 12 taon sa kasong pagpatay sa dating aide na si Rafael de las Alas.

Inamin ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na nag-usap sina Pangulong Aquino at Diokno subalit wala naman siyang ideya kung ano ang napag-usapan ng mga ito at kung dumating sa puntong sinabon ng Chief Executive si Diokno.

“I saw him a while ago I understand they met but I don’t know what they talked about,” aniya pa rin.

Nakasalalay sa magiging resulta ng imbestigasyon ni Justice Secretary Leila de Lima ang napipintong paggamit ng kamay na bakal ni Aquino sa mga responsable sa paglabas-pasok sa New Bilibid Prison (NBP) ni Leviste.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na nais ng Chief Executive na tapusin muna ni Sec. de Lima ang imbestigasyon at magbigay ng mabigat na rekomendasyon sa usapin.

Aniya, pagbabasehan din ng Punong Ehekutibo ang resulta ng imbestigasyon ni de Lima sa magiging desisyon nito na sibakin ang mga opisyal ng NBP na responsable sa VIP treatment kay Leviste.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply