Diplomasya gamitin vs China sa Spratly

NAGKAISA ang mga senador na idaan sa diplomatikong proseso ang protesta ng Pilipinas kaugnay ng pagpasok sa teritoryo ng bansa ng mga fighter jets ng China sa pinag-aagawang Spratly Islands.

Ayon sa mga senador na sina Ping Lacson, Gringo Honasan, Miriam Defensor-Santiago at Chiz Escudero ang diplomatikong pamamaraan ang mainam na gawin ng bansa kaysa kalabanin ang China lalo’t mahina  ang pwersa-militar ng Pilipinas.

Pero ayon kay Sen. Gringo Honasan, maaring magsumbong ang Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa sa ASEAN kaugnay ng tila panglalait ng China.

Ngunit ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, hanggat mahina ang pwersa militar ay aasahan na ang panglalait ng ibang bansa sa Pilipinas, kaya’t panahon na aniya para palakasin ang Sandatahang Lakas.

Hindi naman kumbinsido rito si Escudero sa pagsasabi na hindi solusyon ang pagpapalakas ng Sandatahang Lakas sa ganitong problema sa halip kailangan na maging ma-impluwensya ang bansa at malakas ang ekonomiya.

“Isang solution din magpalakas tayo bilang isang bansa sa level ng influence, magpalakas tayo bilang isang bansa sa level ng stature at sa level ng economy dahil hindi naman madalas paramihan ng baril ang pinag-uusapan pagdating sa usaping tulad nito,” ayon kay Escudero. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply