Disaster risk management dapat tutukan

HINDI uusad ang Pilipinas kung hindi mamumuhunan sa salapi at panahon ang pamahalaan ukol sa disaster risk management.

Binigyang diin ni Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento na dapat maging seryoso ang administrasyong Aquino na mailatag ang isang malinaw na mga panuntunan sa disaster risk management na siyang susi upang maisalba ang bansa sa pagkapilay na dulot ng mga trahedya.

Ani Sarmiento, ngayong 2011 pa lamang ay umaabot na sa $300 bilyon ang nawasak ng mga pagbaha at paglindol sa buong mundo kaya’t umaapela na si UN Secretary General Ban Ki-moon ng sama-samang pag-aksyon ng maraming bansa para sa paglalatag ng mga hakbang sa natural hazard at nuclear safety.

“We cannot achieve development sustainability without seriously investing, both financially and politically, in disaster risk reduction.  It should be at the core of socio-economic development at different levels,” ani Sarmiento.

Matatandaan na lumagda si House Speaker Feliciano Belmonte sa nabuong consensus at kasunduan sa ginanap na 3rd Global Platform for Disaster Risk Reduction sa Geneva, Switzerland noong Mayo 8 hanggang 13 na may temang “Invest today for a Safer Tomorrow-Increased Investment in local Action.”

Suportado ng Global Platform ang United Nations International Strategy for Disaster Reduction (UNISDR) na pakikipag-ugnayan sa mga parliamentary assembly at individual parliamentarian upang makalikha ng naaangkop na hakbang sa disaster risk management.

Ang UNISDR ay naglunsad ng pandaigdigang kampanya nito upang himukin ang mga lokal na pamahalaan na maging alerto sa mga kalamidad. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply