Diskarte ni Binay ibinasura ng M’cañang

WARING ipinahiya ng Malakanyang si Vice-President Jejomar Binay nang ibasura ang diskarte at panukala ng opisyal na lumikha ng OFW bank.

Sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na ayaw patulan ni Executive Secretary Paquito Ochoca Jr. ang hirit ni Binay na OFW Bank matapos makuha ang pulso at negatibong pagsang-ayon ng Department of Finance (DoF) at Bangko Sentral hinggil sa usapin.

“I don’t know. We already responded to the letter of VP binay as to what the future actions on the response of ES Ochoa that would depend on him. But the response of ES came also after consulting various agencies like DOF and Bangko Sentral I think the response of secretary ochoa was studied again it will be up with the VP to discuss it with the ES if he wishes to push for the idea for an OFW bank,” ayon kay Atty. Lacierda.

Bukod dito, wala umanong nakikitang dahilan ang Malakanyang na pagbigyan si Binay  dahil lahat naman aniya ng pangangailangan ng Pinoy workers ay kanilang nasususugan.

Ayaw namang magkomento ng Malakanyang sa posibilidad na itulak pa rin ni Binay ang OFW Bank kahit iniwan siya sa ere ng Malakanyang.

“I would imagine he believes because he is in charge of addressing the concerns of the OCWs. And I am sure if he believes strongly on that certainly it will be up to him to decide what further actions he will do,” ang pahayag ni Atty. Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply