Diskriminasyon sa LGBTs pinaiimbestigahan

BAGO magbukas ang eskwela sa Hunyo 6, hiniling  ng isang  solon ang imbestigasyon sa Kamara hinggil sa nagaganap na diskriminasyon  sa hanay ng lesbians, gays, bisexuals at transgenders (LGBT’s) sa mga  eskwelahan..

Nakasaad ito sa House Resolution 1333 na isinulong ni Kabataan Party-list Rep. Raymond “Mong” Palatino ang kahilingang pag-imbestiga sa prejudicial, discriminatory at unjust practices and policies” laban sa LGBTs.

Nais ng mambabatas na mabigyang linaw ang karaingan ng LGBT’s hinggil sa nagaganap na diskriminasyon sa loob pa mismo sa mga paaralan kung saan sa mga guro at kamag-aral pa nila nararanasan.

Ayon kay Palatino, ang mga estudyante mula sa hanay ng LGBT ay nakararanas umano ng pang-haharas, pananakit at panunukso na nakaaapekto sa kanilang pag-aaral.

Dapat sanang magsilbing tagapangalaga at patas ang trato at tagapayo ang eskwelahan subalit sa kabila nito ay dito  pa nakararanas ng diskriminasyon ang mga nasa third sex.

Base aniya sa naitala ng PROGAY, isang  progresibong  organisasyon ng LGBTs ng bansa, kadalasang  nagaganap ang pagpapahiya mula  sa mga  kaklase  at  iba  pang  school  personnel, maging  ang pagsibak  sa mga estudyante na nagsusuot ng  kasuotang  pambabae at  panlalaki naman sa mga  tomboy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply