Dispatcher ng taxi niratrat, utas

BUTAS ang bungo at katawan ng isang 22-anyos na dispatcher ng taxi matapos na tadtarin ng bala ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa lungsod ng Quezon, Lunes ng gabi, Mayo 30.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Ruben Roxas, 22, dispatcher at residente ng 287 Rado St., IBP Road Barangay Commonwealth, ng nasabing lungsod.

Inilarawan naman ni PO3 Richard Baquiran ng Batasan Pulis Station ang salarin na nakasuot ng dark bullcap, itim na jacket, itim na pantalon at itim na sapatos.

Sa ulat ni PO1 Jason Tolentino ng nasabing himpilan, ang pamamaril ay naganap sa may Commonwealth Avenue, kanto ng Kawayanan St., sa nabanggit na lungsod dakong alas-onse ng gabi.

Naglalakad umano paauwi ng bahay ang biktima nang maparaan sa isang madilim na bahagi ng lugar.

Sa puntong ito ay bigla na lamang may humarang sa biktima at walang awang pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang salarin dala ang ang ginamit na baril.

Nakuha naman ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ang walong (8) basyo ng bala at isang slug ng .9mm na kalibre ng baril.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply