Distribusyon ng condom sa Davao pinalakpakan

PINALAKPAKAN ng isang militanteng solon ang Davao City local government dahil sa pagpapalaganap ng isang ordinansang tutulong upang madaling makabili ang mga Davaoeño ng gusto nilang reproductive healthcare services.

Kasama sa nasabing ordinansa ang libreng pamamahagi ng condom sa ilalim ng programa ng League of Cities of the Philippines.

Ayon kay Gabriela Rep. Luz Ilagan, ipinakita ng Davao na handa silang tugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan, kahit pa napakainit ng debate hinggil dito.

Ani Ilagan, awtor ng Reproductive Health Bill at isa ring Davaoeña, matagal nang nagunguna ang Davao City sa lahat ng bagay, lalo na sa pagpapatupad ng pro-women ordinances.

Aniya, napakapositibong hakbang nito sa pagsisigurong makukuha ng kababaihan ang mga pangangailangan nila para sa kanilang kalusugan.

Aniya, makatutulong ang ordinansa ng Davao upang maiwasan ang pagkalat ng sexually transmitted infections (STI) at HIV-AIDS.

Sinabi pa ng lady solon na sana ay pamarisan sila ng iba pang probinsya at pati na rin ng Metro Manila. Nenet L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply