DND secretary walang planong mag-resign

WALANG planong mag-resign si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa kabila ng mga ulat na pabitiw na ang kalihim sa defense portfolio at nakatakdang palitan ng isang kapartido ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino.

“Wala akong ambisyong mag-resign pero kung papalitan wala tayong magagawa ganun talaga ang kwan natin, if my output is not what the president expected me to have, then it’s his right,” ani Gazmin

Ayon kay Gazmin wala pa naman pasabi sa kanya na papalitan na siya ng Pnangulong Aquino dahil katunayan ay sa dyaryo lamang niya nalaman ang isyu.

Nabatid na may mga ulat na sinasabing palabas na ng DND si Gazmin at isang mula sa Liberal Party ang papasok bilang kanyang kapalit.

Nilinaw pa ni Gazmin na hindi nila ito natatalakay ni Pnoy kaya sa tingin niya ay pasado pa rin siya sa kuwalipikasyon ng Commander-in-Chief ng AFP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply