DOJ nag-occular inspection sa Bilibid

NAG-OCULAR inspection ang Department of Justice (DOJ) sa minimum security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa kung saan nakapiit si dating Batangas Governor Antonio Leviste, na nahuling nakalalabas ng kulungan.

Pinangunahan ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III, na siya ring undersecretary na in-charge sa Bureau of Corrections (BuCor), ang pag-iinspeksyon.

Aminado ang fact finding committee na maraming butas ang security measures na ipinatutupad doon at maraming “weak points.”

Inaalam kung paano nakalabas ang dating gobernador sa nasabing kulungan.

“Ex-Governor Leviste used his vehicle to get out of the prison compound but the three gates have guards. The big question is: How was he able to get out despite the fact that the three gates have guards.The cars that come in and out of the compound are not monitored by the guards.The plate numbers of the cars are not listed down, so there’s no record of vehicles coming in and coming out,” paliwanag ni Baraan.

Maging ang kulungan ni Leviste ay ininpeksyon din ng komite kung saan napatunayan nilang may VIP treatment din sa tulugan ang dating gobernador.

““He does not only enjoy ‘living out’ privileges, he also has ‘sleeping out’ privileges. Ibig sabihin, may sarili siyang kubo. Actually parang resort. Unlike the cramped cell of common convicts in the Minimum Security Compound of the NBP, Leviste’s hut is spacious, with a well-maintained toilet and bathroom. The hut also has a balcony,” ayon pa sa panel.

Ayon kay Baraan, ang nasabing pribelehiyo na nakukuha ni Leviste sa loob ng kulungan ay dahil sa edad nitong 71. Ito rin aniya ang nagpapatunay na may malaking agwat ang mayayaman at mahihirap na blanggo.

Ang ginawnag ocular inspection ay bahagi ng isinasagawang imbestigasyon ng DOJ kaugnay sa nadiskubreng paglabas-masok ng kulungan ni Leviste.

Sa nasabing imbestigasyon ay aalamin kung sino o sinu-sino ang dapat na managot sa insidente at kung papaano babaguhin ang seguridad na ipinatutupad sa NBP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply