Dole nagpalabas ng panuntunan sa Cola

NAGPALABAS ng panuntunan ang Department of Labor and Employment (Dole) sa ilang kompanya na puwedeng ma-excuse sa pagbibigay ng Cola.

Ito ay sa  kabila ng katiyakang makakatanggap ng Cola o cost of living allowance na P22 ang mga manggagawa.

Ilan pa rin umano sa mga kumpanya ang maaring hindi mapasali sa pagbibigay ng Cola kabilang na ang mga distressed establishments na isinailalim sa reviewing wage board financial.

Ayon kay Dole Director Nicon Fameronag, kabilang  din ang mga kumpanya na nasa retail and service establishment na hindi hihigit sa 10 empleyado tulad sa may puwesto sa palengke na kadalasang isa hangang dalawang tindera lamang.

Panghuli umano ay ang mga kumpanya na mayroong hindi lalagpas sa capital na tatlong milyong piso.

Kaugnay nito,nauna ng sinabi ng Dole na kailangan munang ilathala sa mga pangunahing pahayagan ang nasabing kautusan bago maipatupad.

Tuluyan lamang umano itong maipapatupad  15 araw matapos mailathala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply