‘Dolly Ann Carvajal walang kredibilidad…’– Jolo Revilla

IBINISTO ni  Dolly Ann Carvajal sa ‘Paparazzi’ na inamin raw sa kanya ni Jolo Revilla na gusto nitong ligawan si Kim Chiu. Secret lang daw nila  yun at huwag daw sana niyang ipagsasabi.  Kaso itong si Dolly, ibinisto pa rin ang sekreto nila Jolo.

Kaya lang, ano kaya ang magiging reaction ni Dolly kapag nakarating sa kanya na dininay siya ni Jolo? Ang sabi lang daw ni Jolo sa kanya ay crush niya si Kim pero wala naman daw siyang sinabi na gusto niya itong ligawan.

Hindi kaya nagalit lang si Jolo kay Dolly dahil sa pambibisto nito sa kanya, kaya ang ending, dininay siya nito?

Lumabas tuloy na walang credibility si Dolly, di ba?

oOo

Kim Chiu panis na sa puso ni Gerald Anderson

SABI ni Gerald Anderson, hindi raw totoo ang lumabas na balita na gusto niyang makipagbalikan sa dating girlfriend na si Kim Chiu. Okey na raw sa kanya na hanggang friends na lang sila. Pero hindi naman itinatanggi ng aktor na hanggang ngayon ay nagki-care pa rin siya kay Kim. Meaning, mahal pa rin niya ito. Rommel Placente

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply