Dominguez bros ililipat sa Camp Bagong Diwa

PINAGBIGYAN ng korte ang kahilingan ng jail warden ng Quezon City na mailipat ang lahat ng akusado sa Evangelista carnap-slay sa Metro Manila District Jail, Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Ayon kay Supt. Joseph Vella, QC jail warden, matinding banta sa seguridad ng QC Jail (QCJ) ang pananatili ng mga akusadong sina Raymond at Roger Dominguez, at Jason N. Miranda.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, sa bisa na rin ng kautusan ng hukuman, inilipat ang hinihinalang carjack gang leaders at member mula sa Camp Crame patungo sa QCJ dahil hindi naman umano regular na piitan ang pasilidad ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

“Acting on the letter of the jail warden of Quezon City dated May 4, 2011, requesting for the transfer of all the accused to the Metro Manila District Jail, Camp Bagong Diwa, Taguig City…” ani QC Regional Trial Court (QC RTC) Branch 215 Judge Ma. Luisa C. Quijano-Padilla na inilabas kamakailan (Mayo 6).

“Let all the accused Raymond S. Dominguez, Roger S. Dominguez and Jason N. Miranda be transferred to the Metro Manila District Jail immediately,” dagdag pa ng hukom.

Samantala, hindi naman pinagbigyan ang mosyon ni Alfred Mendiola na agaran nang magpalabas ng desisyon ang korte sa inihaing “petition to discharge” ng nasabing akusado at ng prosekusyon nang hindi na dumadaan sa pagdinig.

“Wherefore, premises considered the motion for reconsideration filed by the prosecution and the motion for reconsideration filed by Alfred Mendiola are both denied for lack of merit,” anang hukom sa hiwalay na kautusang kanyang inilabas noong Mayo 11.

Itinakda ang pagdinig para sa petisyon ni Mendiola sa darating na Lunes, Mayo 23 dakong 2:00 ng hapon sa sala ni Judge Quijano-Padilla sa QC Hall of Justice Annex sa QC Hall Complex.

Ang nasabing mga akusado ay suspect sa pagpaslang sa car dealer na si Venson Evangelista noong Enero 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply