DOST scholar nanalig sa kaniyang pangarap, determinasyon

HINDI hadlang ang kahirapan sa isang taong may determinasyon na maabot ang bawat pangarap.

Isa lamang si Nestor Alcala sa mga kabataang estudyante mula sa Zamboanga del Norte na nangarap na makatuntong sa kolehiyo at makapagtapos ng pag-aaral. Pero dahil mahirap ang kaniyang pamilya, katunayan, maging ang simpleng pagkain sa maghapon ay hirap maitawid ng kaniyang mga magulang.  Kaya ang makapagtapos ay tila magsisilbing pangarap na lamang.

Hindi ito nakapagtataka sa isang pamilya na may 11 anak.  Bilang ika-anim sa magkakapatid, naniniwala si Nestor na ang makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng matatag na trabaho ay ang tanging paraan para maiahon ang pamilya sa pagkakalublob sa kahirapan.

Aminado ang batang Zamboangana bagama’t salat siya sa salapi, malawak naman ang kaniyang pag-iisip at mangyayari ang kaniyang binuong pangarap.

Kaya nang mabalitaan ni Nestor ang tungkol sa scholarship mula sa Science Education Institute (SEI), isang ahensiya ng Department of Science and Technology(DOST), hindi na siya nagdalawang-isip at
sinunggaban ang pagkakataon na tila ‘grasya’ na nalaglag sa lupa mula sa langit.

Nag-enrol siya sa science program ng Mindanao State University sa Marawi City sa ilalim ng Republic Act 7687 o ang S&T Scholarship Act of 1994. Ang  scholarship program ay ipinagkakaloob sa mahihirap na
estudyante na may mataas na pagkaunawa sa larangan ng siyensiya at teknolohiya.

Hindi nahiya si Nestor na ibahagi kung gaano kahirap ang dinaranas ng kaniyang pamilya noong mga panahong nag-aaral siya sa elementarya at high school.  Mas madalas aniya, na pumapasok silang magkakapatid sa paaralan na walang laman ang tiyan dahil walang pambili ng pagkain ang mga magulang.

“During those years, I would go to school without having lunch,” Nestor told his story. “What difference will it be if I stayed home with an empty belly? At least, in school, my head gets filled with knowledge.”

Ngayon, bilang isang pinalad na maging DOST scholar, tinatamasa na ni Nestor ang ilang mga benepisyo gaya ng monthly living allowance, at tuition subsidy. Nakatatanggap din siya ng allowances para sa libro,
uniporme at iba pang gaya nito.

Walang sinasayang na panahon si Nestor sa kaniyang pag-aaral.  Noon aniya, pinagagalitan siya ng kaniyang ina kapag nag-aaral sa gabi dahil nauubos ang gas ng kanilang lampara at halos wala ng natitira para sa susunod na araw.

“My mom would chide me for spending the oil in our lamp when I was studying, for there will be nothing left for the following day,” wika pa ni Nestor.

Nasa edad 25 na ngayon si Nestor at kasalukuyang nasa kaniyang ‘graduate studies’ at talagang ipinagmamalaki ang pagiging isang DOST scholar. “People ask me why I never grow tired of studying.”

Patuloy na sinusuportahan ng DOST si Nestor sa grauate school.  Bilang bahagi ng kaniyang ‘stipend’ o allowance ay napupunta o itinutulong niya sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid a pamangkin.

Isa lamang si Nestor sa maraming estudyante na nagmula sa mahirap na pamilya subali’t maituturing na ‘deserving student’ na inaayudahan ng DOST, sa pamamagitan ng SEI.

Ang kaniyang kwento ng buhay ay nagsisilbing inspirasyon sa marami pang darating na DOST scholars na naniniwalang matutupad din ang kanilang mga pangarap.

Kamakailan, sa ginanap na DOST Scholars Conference sa DOST sa Taguig City, pinayuhan ni DOST Secretary Mario G. Montejo na lumayo sa anumang mga bagay na makasisira sa kanilang pag-aaral at iprayoridad muna ito para makatapos.

“I am happy that you made it through, but let me remind you that there will be a lot of distractions in college,” giit pa ni Montejo. “Study hard and finish school. A career in science and technology is a very rewarding job,” dagdag pa ng kalihim.

Para sa school year 2011-2012, DOST-SEI ay may combined number ng 1,246 scholars para sa  DOST-SEI Merit scholarship at ang  R.A. 7687 scholarship.

Ang SEI ay ahensiya ng DOST na naatasan na mangasiwa sa S&T human resources sa bansa at mag-develop ng magagaling na estudyante sa pamamagitan ng scholarship grants at pagbibigay ng pagkilala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply