DOTC nagbuo ng grupong tututok sa road accidents

NAGBUO na ng isang grupo ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na mag-iimbestiga sa dahilan ng sakuna sa mga lansangan.

Inatasan din ng kagawaran ang bagong grupo na magrekomenda ng mga pamamaraan upang maging ligtas ang mga biyahe sa mga lansangan sa bansa.

Naglabas si Transportation Secretary Jose “Ping” P. de Jesus ng Department Order No. 2011-20  na bumubuo sa  Land Transport Safety  Investigation (LTSI) Group na siyang tututok sa mga malalaking aksidente na kinasasangkutan ng mga public utility vehicle at light rail trains nitong nakalipas na buwan.

Ani De Jesus, nakababahala na ang bilang ng mga namamatay na pasahero at mga nasusugatan sa mga aksidente at pagkasira ng mga sasakyan sa mga nakalipas na buwan.

Sinabi naman ni DOTC Undersecretary Dante M. Velasco na ang binuong LTSI ay nasa mandato na kinakailangang makapagsumnite sa loob ng 15 araw mula sa araw na nangyari ang aksidente ng evaluation report sa kalihim ng DOTC.

Magiging trabaho ng investigating panel ang pagsasagawa ng multi-disciplinary evaluation at analysis ng mga impormasyon kabilang ang pinag-ugatan ng aksidente at mga isyu ng kaligtasan ng mga pasahero sa mga aksidente na nangyari ng may walong buwan.

Pinagsusumite rin ang LTSI team sa loob ng 90 araw ng kanilang mga action plan para maiwasan ang mga sakuna sa hinaharap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply