Double dead na bangus ibinebenta

KINUMPIRMA ng mga mangingisda sa Taal Lake, Batangas na ibinebenta nila ang mga isda na nangagsisimatay sa nasabing lugar.

Ibinebenta umano nila sa halagang P30 kada kilo sa mga dealer ng isda ang kanilang mga inaaning bangus na kamamatay o nangingisay pa lamang.

Nabatid na nakarating sa Navotas Fishport ang mga inaning double dead na bangus mula sa naturang lugar Lunes ng umaga.

Kaugnay nito, mas pinaigting ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagbabantay para matiyak ang kalidad ng mga isdang ibinebenta sa merkado.
Ipinapayo naman ni Benjamin Tabios, Jr., officer-in-charge ng BFAR, sa mga mamimili na maging mapanuri at tingnang mabuti ang binibiling mga isda kung mapula na ang mga mata nito at mas amoy na.

Wala umanong nakatitiyak sa mga pamilihan kung hiwalay ang mga bangus na ito sa mga natagpuang matagal nang patay at ganundin kung pinaghahalo-halo ang mga bago at matagal nang patay.

Samantala, nangangamba naman ang mga namumuhunan sa palaisdaan na wala na silang kikitain lalo na’t inutang lang din nila ang kanilang puhunan para sa pagkain at iba pang pangangailangan ng mga alaga nilang isda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply