Drayber na nanumpak ng kabaro arestado

NAARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section Biyernes ng umaga sa Teresa, Rizal, ang isang 26-anyos na jeepney driver na nanumpak ng kanyang kabaro.

Hawak na ngayon ng pulisya ang suspek na si Allan Bernalles, tubong-Cainta, Rizal, na nakatira ngayon sa Tondo, Maynila.

Natiklo ang suspek matapos magsagawa ng follow-up operation ang MPD – Homicide Section, sa pangunguna ni Insp. Armand Macaraeg at kasama sina PO3 Jupiter Tajonera, PO3 Charles John Duran, PO2 Ramoncito Tolentino at PO2 Bernardo Cayabyab.

Inamim ni Bernalles ang pagpatay kay Jerick Saraosos, 19, ng 39 Sandico St., Tondo, Maynila.

Napikon na umano ang suspek sa biktima, na tatlong beses nang kumukursunada sa kanya.

Nagsimula umano ang alitan nilang dalawa noong Oktubre 2010 nang bigla umanong sapakin ng biktima ang suspek sa pilahan ng mga dyipni sa Binondo, Maynila.

Nasundan ito ng panununtok na nauwi sa pambubuno ng dalawa.

Noong Huwebes ng umaga umano ay inulit ng biktima ang pangungursunada sa s suspek nang sundutin ng una ng tubong bakal ang tagiliran ng huli.

Dahil dito, umuwi ang suspek sa Abad Santos at kinuha ang kanyang sumpak.

Nag-krus ang landas ng dalawa sa Taft Ave., Maynila nang magkagitgitan ang mga dyipning minamaneho nila.

Hinabol ni Bernalles si Saraosos. Nang maabutan ito sa harap ng Manila Medical Society sa Taft Ave. ay sinumpak ng una ang huli sa tagiliran.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek at nagtago sa Teresa, Rizal, kung saan siya naaresto ng mga tauhan ng MPD.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply