Drayber ng bus, dyip sa QC ipada-drug test

MAGSASAGAWA ng random drug testing ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa mga drayber ng pampasaherong dyip at bus na bumibiyahe sa siyudad upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, ang hakbangin ay bunsod ng mga natatanggap nilang ulat ukol sa mga pumapasadang drayber na nasa impluwensiya ng iligal na droga.

Aniya, ang ganitong gawain ay maaaring isa sa mga dahilan ng mga aksidente sa lansangan kung saan sangkot ang mga drayber.

Ang Quezon City Anti-Drug Abuse Council o QCADAC ang magsasagawa ng natuang drug test.

Ito ay bahagi ng kampanya ng lungsod laban sa iligal droga at upang maiwasan ang kaso ng mga aksidente sa kalsada dahil dito.

Nauna nang isinalang sa drug test ang mga City officials at mga empleyado ng pamahalaang lungsod. Nakatakda  na ring isusunod ang mga opisyales ng bawat barangay sa nasabing lungsod.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply