Driver binoga ng kapwa driver

NAKASUNTUKAN muna bago sinumpak ang 19-anyos na lalaki ng kapwa niya jeepney driver nang magkrus ang kanilang landas habang bumibiyahe ng Divisoria via Taft Avenue Huwebes ng hapon, Mayo 12.

Namatay habang isinusugod sa Philippine General Hospital si Jerick Saraoso ng St. James St., sa Kagitingan Tondo, habang mabilis namang tumakas ang hindi pa nakilalang suspek.

Batay sa ulat ni P/Supt. Frumencio Bernal, Station Commander ng Manila Poilice  District-Ermita Police Station 5, dakong 3:10 ng hapon, nang maganap ang nasabing insidente sa Taft Avenue, malapit sa panulukan ng Ayala Boulevard sa North Bound Lane sa Ermita.

Nauna rito, nabatid na nagkatagpo na ang dalawa sa area ng Divisoria, at nagkaroon na ng habulan, habang binabagtas ang kahabaan ng taft Avenue.

Lulan ng pinapasadang jeep (TWL 709) na biyaheng Divisoria ang biktima, habang lulan naman  ang isa sa kanyang jeep nang muling maghabulan sa nasabing lugar.

Nang maabutan ay agad na pinaputukan ng suspek ang biktima bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply