Driver na nakabangga kay Bataoil nakapagpiyansa

PANSAMANTALANG pinakawalan ang driver ng Dagupan bus na nakabangga sa sasakyan nina Pangasinan 2nd Dist. Rep. Leopoldo Bataoil sa bayan ng Bugallon, Pangasinan makaraang pahintulutan ng korte na makapaghain ng piyansa.

Nauna rito, nabangga ng bus driver na si Bemmy Cainap, residente ng Barangay Bagong Silang, Quezon City ang sinasakyang van nina Bataoil habang pauwi ang mga ito galing sa isang Barangay Fiesta sa bayan ng Aguilar noong nakaraang linggo.

Kaugnay nito, nakaratay pa rin sa intensive care unit (ICU) sa Villaflor Hospital sa Lungsod ng Dagupan ang driver ng van na si Ruben Escolar habang inilipat na sa St. Lukes Medical Center sina Rep. Bataoil at anak nitong si Angela na parehong nagtamo ng pinsala sa paa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply