Driver na nakabangga kay Simbulan sumuko na

SUMUKO na kagabi, Mayo 19, ang driver ng Universal Guiding Bus na siyang nakabangga sa sinasakyang taxi sa veteran journalist at UP professor na si Chit Simbulan.

Nabatid na sa tulong ng isang kamag-anak, sumuko si Daniel Espinosa kay Davao City Vice Mayor Rodrugo Duterte.

Iginiit ni Espinosa na wala siyang balak takasan ang krimen. Natakot lamang siya kung kaya umuwi siya ng Davao.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Davao City Police Office si Espinosa at nakatakdang dalhin sa ngayong araw sa Quezon City Police district.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply