Driver na nakapatay sa lady journ kinasuhan na

KINASUHAN na ng reckless imprudence resulting to homicide at damage to property ang driver ng bus na nakapatay sa UP professor at veteran journalist na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon sa Quezon City District Traffic Enforcement Unit, umaasa silang maglalabas agad ng warrant of arrest ang korte laban sa driver ng Universal Guiding Star Bus Line ( UVC-343) para madakip agad si Daniel Espinosa, 39, na patuloy na nagtatago.

Nauna rito, inilabas na ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Division ang larawan ni Espinosa, base naman sa biodata nito na ibinigay ng pamunuan ng kanyang bus company.

Sinimulan na rin ng awtoridad ang pagsuyod sa mga lugar na posibleng kinaroroonan ni Espinosa.

Unang pinuntahan ng grupo ni Supt. Arnold Santiago, hepe ng QCPD Traffic Division ang garahe ng nasabing bus company sa Fairview, Quezon City para makakuha pa ng mga karagdagang impormasyon ukol kay Espinosa.

Napuntahan na rin ng mga pulis ang bahay ni Espinosa sa Barangay San Juan sa Taytay, Rizal at mga kaanak sa Caloocan at Maynila.

Bumuo na ng team ang QCPD Traffic Division na tutugis kay Espinosa bukod pa sa pagtutulungan ng anim na traffic sector ng QCPD at maging ang Quezon City Police Homicide Division ang ikadarakip ng bus driver.

Si Simbulan, 53, ng 31-B Evergreen Drive Capitol Green Ville, Tandang Sora, Quezon City, dating editor ng Manila Times ay namatay dahil sa tinamong matinding pinsala sa kanyang katawan, makaraang salpukin ng bus na minamaneho ni Espinosa dakong 6:00 ng gabi sa Commonwealth Avenue, QC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply