Driver ng aktor na si Richard Gutierrez sinita sa overspeeding

SINITA ng awtoridad ang driver ng actor na si Richard Gutierrez dahil sa pagpapatakbo nito ng lampas sa 60 kph speed limit sa mismong killer highway sa Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang umaga.

Sinabi ng isang staff member mula sa Metro Manila Development Authority Management Non-Contact Policy Program, habang minamaneho ng driver ni Gutierrez ang bagong kulay puting Audi ng aktor ay tumakbo ito ng 79 kph, lampas sa 60 kph speed limit sa Commonwealth.

Iyon ay base sa reading sa laser speed gun detector na ikinasa ng MMDA sa naturang killer highway para malaman kung gaano kabilis ang itinatakbo ng sasakyang dumadaan doon.

Ayon pa sa MMDA, pinahinto nila ang kotse ng naturang sa tapat mismo ng Iglesia Ni Cristo church, Barangay UP, Diliman dakong alas  8:10 a.m.

“Medyo nagkaroon ng interception. Mayroon po kaming video. Nag-speed limit po siya 79 kph. Ang limit po ay 60. Na-ticket-an lang po siya. Hindi po siya ang nagda-drive ng Audi white. Wala pang plaka, brand new po,” pahayag pa ng MMDA staff na ayaw magpakilala.

Bagama’t hindi mismong si Gutierrez ang nagmamaneho, nakaupo naman umano sa unahang bahagi ng sasakyan ang aktor nang maganap ang paninita ng MMDA traffic enforcers.

Nagpatupad ang MMDA ng 60 kph speed limit sa Commonwealth Avenue, na tinaguriang “killer highway”, noong nakaraang Enero para limitahan ang malagim na aksidente sa nasabing malaki at malawak na lansangan.

Isinisisi naman ng International experts ang paggamit ng concrete barriers, improper position ng mga pedestrian lanes at serye ng pagkasa ng  U-turn slots ang ilan sa mga road hazards kaya madalas ang aksidente sa Commonwealth Avenue.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply