Driver pinatay habang may kausap sa cellphone

PATAY ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay may kausap sa cellphone sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Mayo 23.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Maximo Villanueva, 42, ng Barrio Sta. Rita, Tala, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 8 ng gabi kagabi habang may kausap sa cellphone ang biktima sa tapat ng bahay ng kaibigan na si Bong Sumawang sa Phase 12, Tala nang sumulpot ang suspek at pagbabarilin si Villanueva.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng una at motibo upang patayin ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply