Driver sinaksak ng lasenggang lover

BURDEOS, QUEZON— Kritikal sa pagamutan ang 47-anyos na driver matapos saksakin ng kanyang 33-anyos na kinakasama sa Barangay Poblacion, noong Martes, ayon sa report ng pulisya Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lauro Armeda, samantalang ang suspek naman ay si Ailyn Buefano, kapwa ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap habang si Ailyn ay nakikipag-inuman sa isang Catherine Cristobal sa bahay ng huli.

Nabatid na dumating si Lauro dakong 8:45 ng gabi para sunduin si Ailyn ngunit tumangging sumama sa kanya ng huli.

Sa galit ay nagawang sampalin ni Lauro ang kinakasama na agad namang kumuha ng patalim ang huli at sinaksak ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply