Driver tinadtad ng punglo ng baril, patay

PATAY agad ang isang driver matapos itong pagbabarilin ng dalawang salarin sa tapat mismo ng bahay ng una kagabi sa Maligaya Park, Bagongbong, Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang bikimang si Mario Lagrisola y Hukalar, 23, binata, driver, ng 116 Sampaguita St., Maligaya Park ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamo nitong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad namang inatasan ni Sr. Supt. Jude Welson Santos ang kanyang mga tauhan na hanapin at arestuhin ang mga salarin na nakilalang si Larry “Ekin” Fajardo, legal age, ng Mapakumbaba St., Blk. 19, Margarita Hills, Caloocan, at isang hindi pa nakikilalang salarin.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Mark Andrew Bartolome, ng Station Investigation Division ng Caloocan police, dakong 11:30 kagabi nang maganap ang insidente sa tapat mismo ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Base sa pahayag ng saksing sina Jerick Charis Asinas at Amado Cataham ng nasabing lugar, kinakalikot ng biktima ang kanyang motorsiklo at biglang lnilapitan ito ng mga salarin.

Agad nagbunot ng baril si Fajardo at anim na beses pinaputukan ng malapitan ang biktima na agad nitong ikanamatay.

Matapos maisagawa ang krimen, naglalakad lamang papalayo ang mga suspek na tila walang nangyari bitbit ang baril na ginamit.

Nakarekober naman ang mga tauhan ng National Police Department-Scene of the Crime Operatives (NPD-SOCO) ng limang basyo ng 9mm pistol na ginamit sa pamamaril ng suspek.

Patuloy rin na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para malaman ang tunay na motibo sa naganap ng krimen.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply