Driver utas sa dalawang kapitbahay

TIGOK ang isang driver nang pagbabarilin ng dalawang kapitbahay habang ang una ay nag-aayos ng motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City Huwebes ng gabi, Mayo 19.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Mario Lagrisola, 23, ng Sampaguita St., Maligaya Park, Camarin, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman si Larry Fajardo kapitbahay ng biktima at isang hindi pa kilalang kasama nito.

Batay sa ulat, dakong 11:30 ng gabi, inaayos ng biktima ang kanyang motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay nang dumating ang mga suspek at pagbabarilin si Lagrisola.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek na parang walang nangyari.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply