Drug dealer dinedo dahil sa ‘onsehan’

ONSEHAN sa partihan ng pinagbentahan ng iligal na droga ang naging dahilan ng pagkamatay ng isang 26-anyos na lalaki makaraang siya ay tambangan at pagbabarilin ng tatlong armadong kalalakihan sa Quezon City kahapon ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Salem Seladan ng 72 Riverside St., Barangay Commonwealth, Quezon City.

Agad namang tumakas ang mga salarin bitbit ang ginamit na mga armas na kalibre .45 at kalibre .9 mm na baril palayo sa pinangyarihang ng krimen.

Sa inisyal na ulat ni PO1 Jayson Tolentino ng Quezon City Police Station 6,  naganap ang pamamaril sa Market Extension, Riverside, Barangay Commonwealth dakong ala-siyete ng gabi .

Nagmamadali ang biktima patungo sa nasabing lugar nang sundan siya ng tatlong salarin. Nang makarating na sa Market Extension ay dito na nasukol ang biktima.

Nakarinig pa umano ang mga tinderong nasa lugar na hinihingi ng tatlong armadong kalalakihan ang koleksyon mula sa biktima.

Nang walang maibigay Seladan ay bumunot ng baril ang tatlong suspek.

Ayon sa isang saksi, sinubukan pa ng biktima na tumakas, subalit pinaputukan siya ng sunud-sunod ng mga salarin.

Tumimbuwang ang biktima at nagkikisay pa habang nakahandusay sa kalye habang habang pinapaputukan ito ng mga kalalakihan.

Huminto lamang ang mga salarin ng masigurong nalagutan na ng hininga ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay isa-isa na itong nagpulasan patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon sa impormante ng pulisya, nagkaroon ng onsehan sa partihan ng mga koleksyon na pinagbentahan ng droga ang biktima at mga salarin.

Nakuha ni PO3 Arman Penaflor, may hawak ng kaso, sa lugar ng nasabing himplan ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45 at limang basyo ng bala ng kalibre .9 mm pistol.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply