Drug lord nasa likod ng pagpatay sa BUCOR official

ISANG drug lord ang hinihinalang nasa likod ng pagpatay sa isang opisyal ng Bureau of Corrections (BUCOR) noong Biyernes, Mayo 6, sa San Pedro, Laguna.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, batay sa natangap niyang ulat ay hindi nagustuhan ng suspek ang ginawang paglilipat sa kanya ng bilangguan sa lalawigan.

Tumanggi naman ang ang kalihim na tukuyin kung sino ito.

Tinatayang mahigit 30 bilanggo ang inilipat ng bilangguan sa ibat-ibang lalawigan dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga sa loob ng National Bilibid Prison.

 Bukod sa Philippine National Police (PNP), nag-iimbestiga na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa nangyaring pagpatay kay Rodrigo Mercado. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply