DSWD naghanda sa 4-month feeding program

PINAGHAHANDAAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang apat na buwang feeding program sa 50,000 day care centers sa buong bansa.

Ayon kay Welfare Secretary Dinky Soliman, ang mga batang may edad mula tatlo hanggang apat na taon ay makakapag-eenroll sa mga day care center.

Dahil naman sa hindi maseserbisyuhan ng DepEd preschool program ang batang may edad mula limang taon pataas, makikinabang ang mga ito sa feeding program na magsisimula sa unang araw ng pasukan sa Hunyo ngayong taon.

Aniya, ang bawat bata ay may nakalaang pondo na P12.50 para sa “hot meal feeding”.

Sinabi ni Soliman na maliban sa pagpapakain, ang mga bata ay tuturuan ng tamang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, tamang pag-uugali sa harap ng mesa, at pagdarasal bago at pagkatapos kumain.

Tuturuan din ang mga bata ng mga kaalaman tungkol sa pangangalaga ng kalusugan at kahalagahan ng nutrisyon sa katawan.

Upang masiguro ang epektibong pagsasagawa ng feeding program, inaasahan na magbibigay ng kanilang tulong ang Day Care Service Parents Group at ang mga pamahalaang lokal.

Ang feeding program ay isa lamang sa mga programa sa ilalim ng “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” na ipinapatupad ng pamahalaang Aquino upang mabawasan ang kahirapan sa bansa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply