DTI tinututukan ang presyo ng harina

TINUTUTUKAN na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng harina sa lokal na merkado.

Ang pagbabatay ay kaugnay sa kahilingan ng Philippine Baking Industry Group (Philbaking) para mapanatiling mababa ang presyo ng harina sa merkado matapos gumanda ang takbo ng freight at foreign exchange cost kamakailan.

Ayon kay Philbaking president Walter Co, 44 porsyento ang ibinaba ng harina at katumbas na lamang ito ng presyo noong 2008.

Iniutos ng DTI sa mga panadero na magpresenta ng sapat na katibayan para itaas ng piso ang presyo ng pandesal.

Ayon kay Trade Usec. Zenaida Maglaya, walang sapat na basehan upang ipatupad ang price hike dahil sa ngayon ay nananatiling “stable” ang pangunahing sangkap sa tinapay tulad ng harina at asukal.

Sa kasalukuyan mahigpit na umano nilang binabantayan ang presyo ng harina batay na rin sa kahilingan ng mga panadero.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply