DTI titiyaking ‘di tataas ang school supply prices

MAGSASAGAWA ng surprise visit ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa lahat ng bentahan ng school supplies para matiyak na hindi makapagsasamantala ang mga negosyante.

Ayon kay DTI Usec. Zenaida Maglaya, may mga ulat silang natatanggap mula sa mga magulang ng mag-aaral na may mga manininda na nagtataas ng kanilang presyo sa school supplies lalo na ang notebook dahil sa paparating na pasukan sa mga paaralan.

Umaangal na umano ang mga magulang dahil bukod sa tumataas ang presyo ng pangunahing bilihin, magiging pasanin pa umano nila ang pagtaas sa presyo ng school supplies.

Ayon pa kay Maglaya, walang nakikitang dahilan ang kanilang tanggapan sa pagtaas at baguhin ang presyuhan ng papel, bags, at ilan pang mga kagamitan sa paaralan sa pasukan ngayong Hunyo.

Nagbabala naman si Maglaya sa mga negosyanteng nais manamantala sa presyo ng school supplies ngayong pasukan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply