Dyip bumaligtad; 1 patay, 12 sugatan

ISANG dalaga ang binawian ng buhay habang 12 iba pa ang nasugatan nang bumaligtad ang sinasakyang dyip ng mga ito sa national highway sa lalawigan ng Camarines Sur, ayon sa ulat ng pulisya ngayong Sabado, Mayo 21.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame ni P/Sr.Insp. Samuel Villamer, hepe ng Ocampo PNP, binabaybay ng pampasaherong dyip (EVB 381) ang kurbadang bahagi ng Governor Fuentebella Highway sa Barangay Cagmanavao Ocampo Camarines Sur nang maganap ang aksidente.

Sinasabing inunahan nito ang isang kasabay na pampasaherong jeep subalit hinihinalang nagkamali ng kalkulasyon ang driver nito kaya nawalan ng kontrol sa manibela dahilan para bumaligtad at bumangga ito.

Kinilala ng opisyal ang casualty na si Leny Quingkin, 24 taong gulang na nagtamo ng hemorrage sanhi ng pagkakabagok ng ulo.

Habang 12 iba pang mga pasahero ang itinakbo sa Bicol Medical Center dahil sa galos na kanilang tinamo.

Tumakas naman ang drayber ng bumaliktad na sasakyan na si Randy De Juan, 39-taong-gulang at residente ng Sitio Nilay Barangay Cagmanavao bayan ng Ocampo pagkatapos ng aksidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply