Dyip hinarang; 6 na pasahero hinoldap

HINARANG at hinoldap ng tatlong naka-bonnet ang isang pampasaherong dyip sa Navotas kung saan nakasakay ang anim na pasahero Huwebes ng madaling araw, Mayo 5.

Nilimas ng tatlong di nakilalang holdaper ang pera at gamit ng mga pasahero.

Sa ulat, dakong alas-kwatro ng madaling araw, sakay ang mga biktima ng pampasaherong jeep na dala ni Alfredo Dionisio. Pagsapit sa Pascual St. ay pinara ito ng mga suspek.

Paghinto ng jeep ay saka palang umano nakita ng driver na nakasuot ng bonnet ang mga salarin na mabilis na nagsisampa sa jeep sabay tutok ng mga patalim sa mga pasahero.

Matapos masimot ang mga dala ng mga pasahero ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin habang nagpunta naman sa presinto ang mga biktima upang magreklamo.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis at inaalam na rin kung kasabwat ang driver sa nasabing panghoholdap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply