E-cars pauunlarin laban sa oil price hike

NAIS ni Sen. Ralph Recto na mapaunlad ang industriya ng electric cars o hybrid cars upang unti-unting makakalas ang bansa sa paggamit ng langis at makahulagpos sa patuloy na lumolobong presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Recto na hindi na maiiwasan ng bansa sa paggamit ng e-cars dahil masyado nang lumobo ang presyo ng langis. Ito ay bukod pa sa mabilis na nauubos ang suplay nito kaya nararapat nang magsagawa ng kaukulang batas upang mapaunlad ang naturang industriya.

“Nagdeklara na ang ilang bansa, tulad ng Israel at China, ng kalayaan sa paggamit ng petrolyo sa susunod na tatlo hanggang apat na dekada kaya’t gusto na natin na simulan dito sa pamamagitan ng pagsasabatas na magpapabilis sa paggamit ng e-vehicles,” giit ni Recto, chairman ng Senate Committee on Ways and Means.

“Bunsod ng lumulobong presyo ng langis at hindi mapagkakatiwalaan ang downstream oil industry sa pagtutuos ng pagtaas ng presyo, wala tayong pagpipilian kung ‘di gumamit ng elektrisidad upang makatipid sa pambili ng langis at iligtas ang ating kapaligiran,” dagdag ni Recto.

Isinagawa ni Recto ang panukalang paggamit ng e-transport sa harap ng panibagong pagtaas ng presyo ng gasoline nitong Martes na umabot sa P1.40 hanggang P1.50 kada litro.

Sinabi ni Recto na mapalit nang iulat ng kanyang komite sa plenaryo ang pinagsanib na panukala na siyang magbibigay ng insentibo sa buwis sa sinuman o grupo na aangkat, magkukumbert, magmamanupaktura o mag-aasembol ng pioneering fleet ng electric vehicle sa bansa kabilang ang hybrid at iba pang sasakyan na gagamit ng alternatibong gatong.

Tinutukoy na electric vehicle ang anumang sasakyan na gumagamit electric motor; ang hybrid vehicle (HV) naman ay pinagsanib na teknolohiya na gumagamit ng internal combustion engine na may baterya ang motor habang ang Other Alternative Fuel Vehicle (AFV) naman ay alinmang sasakyan na gumagamit ng alternatibong pinagkukunan ng enerhiya tulad ng pero hindi limitado mula sa solar, wind, hydrogen fuel cell, compressed natural gas (CNG) at liquefied natural gas (LNG) at iba pang kumbensiyonal na pinagkukunan ng enerhiy tulad ng petrolyo at gasoline para sa propulsion.

Bukod sa hindi bubuwisin ang naturang industriya sa loob ng siyam na taon, magkakaroon din ng special lane ang gumagamit nito sa Land Transportation Office (LTO) upang mapadali ang rehistrasyon at iba pang dokumentasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply