E-coli umaatake sa Germany, 14 patay, 300 apektado

UMAKYAT sa 14 ang patay habang 300 ang nagkakasakit sa outbreak ng e-coli sa Germany na pinaniniwalaang galing sa kontaminadong cucumbers.

Hindi pa naman mabatid kung ano ang sanhi ng pagkalat ng nasabing bacteria ngunit malaki ang posibilidad umano na sa mga cucumbers na inimport ng Germany sa Spain nagmula ang sakit.

Natukoy na ang hemolytic-uremic syndrome (HUS) na isang seryosong komplikasyon ng e-coli ang siyang tumama sa Europe.

Ayon sa European Center for Disease Prevention and Control, isa ito sa pinakamalaking outbreak ng nasabing uri ng e-coli kung saan ang naturang sakit ay nakakaapekto sa dugo, kidney at nervous system ng isang tao.

Nabatid na kumalat na rin ito sa ilang bahagi ng Europe kung saan 36 mga kaso ang nakumpirma sa Sweden, may napaulat din sa Gran Britanya, Denmark, France at Netherlands.
Napag-alamang ang mga biktimang ito ay nagbiyahe umano sa Germany.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply