Edad sa pagreretiro sa gobyerno itinaas sa 70

NAIS ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na itaas ang retirement age ng kawani ng gobyerno sa 70 habang ang ibang mambabatas naman ang gustong ibaba ang edad sa pagreretiro sa pribadong sektor.

Sa Senate Bill No. 2797 na inihain ni Santiago, nais nitong paamiyendahan ang Government Service Insurance System (GSIS) Act upang itaas sa 70 taong gulang ang retirement age ng government employees mula sa kasalukuyang 65 taong gulang.

Itinulak ng senador ang panukala upang matanggal ang ‘age discrimination’ ng mga public servant na epektibo at maaasahan pa sa kanilang trabaho kahit 65 taong gulang na.

“The age for compulsory retirement as provided by law was initially thought to be the age when an employee is deemed already unfit to keep his or her employment. But we now have to consider recent advances in medicine and health care, which extend the productive age of employees to even beyond 70 years old, especially in fields that are not physically demanding,” paliwanag ni Santiago.

Binanggit ng senadora ang pag-aaral ng Yale University kung saan natuklasan nila na ang malulusog na septuagenarians ay hindi pa nakikitaan ng kabagalan kaysa sa mga 45-taong gulang.

Idinagdag pa ni Santiago na ang retirement age ay ‘major policy issue’ ngayon ng mga gobyerno sa buong mundo. Ilang gobyerno ang unti-unti nang tinatanggal ang compulsory retirement age kung saan ang European Court of Justice ay naglabas ng desisyon na dapat magkaroon ng lehitimong layunin sa pagtakda ng compulsory retirement age dahil kung wala ay maituturing itong ‘age discrimination’.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply