Edukasyon sa PH kulelat dahil napabayaan

KAPABAYAAN ng gobyerno ang dahilan ng pagiging kulelat ng mga unibersidad at kolehiyo sa bansa sa 2011 ranking of colleges and universities sa Asya.

Sa katunayan, apat lamang sa mahigit 2,000 kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas ang nakasingit sa Top 200 ng listahan.

Ayon kay Kabataan Rep. Raymond “Mong” Palatino, masyado nang napabayaan ang kolehiyo sa bansa kaya lalong  bumababa ang rating ng mga kolehiyo at unibersidad dito.

Tinukoy ni Palatino na ang karamihan sa mga nakasama sa mga pinakaprestihiyosong paaralan sa Asya ay mga state university, tulad ng nangungunang Hong Kong University of Science and Technology.

Aniya, ang mga ito ay may sapat na sustento at suporta mula sa kani-kanilang pamahalaan.

Ito umano ay kabaliktaran ng nangyayari sa Pilipinas.

“In our country, state universities and colleges (SUCs) are neglected to utter destitution,” ani Palatino.

Base sa ranking, ang University of the Philippines, na  nangunguna sa bansa ay ika-62 sa Asya, samantalang ang Ateneo de Manila University ay ika-68, pang-104 naman ang University of Santo Tomas at pang-107 ang De La Salle University.

Ang Pilipinas ay may 2,180 kolehiyo at unibersidad. Sa bilang na ito, 112 ay SUCs.

“It is alarming that our SUCs are increasingly pressured by the government to function as private schools. The University of the Philippines, for instance, the top university of the country, receives insufficient funds from the government,” ani Palatino.

Napipilitan umano ang UP na magtaas ng matrikula taun-taon upang mapunan ang pondo nito.

“UP now has a tuition of as much as P1000-P1,500 per unit. That translates to P18,000 per semester, excluding miscellaneous fees,” dagdag  ni Palatino

Aniya, halatang mas binigyan ng focus ng Pangulo ang basic education kaysa sa kolehiyo, samantalang dapat ding bigyan ng pantay na atensyon ang mga ito.

“We should address basic education, definitely, but it is also crucial that we also do something about tertiary education,” aniya.

Ito umano ang ginagawa ng ibang bansa at dapat ding gawin ng gobyerno ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply