Electoral reform muna bago eleksyon sa ARMM

KAILANGAN munang buwagin ang mga private armies ng mga pulitiko sa Mindanao at linisin ang listahan ng mga botante bago ituloy ang ARMM elections ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Kailangan din ng electoral reforms upang maayos ng lubos ang proseso ng eleksyon sa ARMM dahil nabahiran na umano ng maruming pulitika ng nakaraan ang mga mekanismo rito tulad ng mga listahan ng mga botante na tiyak na hitik sa mga flying voters.

Gayundin umano ang mga nakatagong private armies na tiyak na gagapang sa hudyat lamang ng kanilang mga lider.

Magsasagawa din umano ng mahigpit na audit sa pondo ng ARMM na makatutulong sa kapakanan din ng rehiyon .

Wala umanong dapat ipangamba ang mga sektor sa pagpapaliban ng eleksyon at ang pag-aappoint ng mga OIC sa ARMM hanggang 2013. Hinggil naman sa paglabag sa konstitusyon ay napag-aralan na umano ng mga abogado ng pamahalaan ang isyung ito at tiwala umano na naaayon sa batas ang mga desisyon ng ahensya.

Ang magbebenepisyo sa nasabing desisyong pagpapaliban ng eleksyon ay ang buong ARMM at ito umano ay suportado rin ng MNLF at MILF dagdag pa ni Robredo. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply