Employer na pasaway sa P22 Ecola paparusahan – Dole

NAGBABALA ang Department of Labor and Employment (Dole) na may kaukulang parusa sa mga employer at kumpanya na di magpapatupad ng P22 emergency cost of living allowance (Ecola) para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, parurusahan ang hindi magbibigay ng nasabing dagdag-sahod sa mga minimum wage earners.

Kaugnay nito, pinakikilos ni Baldoz si NCR Regional Wage Board Director Raymundo Agravante na mag-inspeksyon sa mga kumpanya upang matiyak na naipatutupad nang maayos ang kautusan.

Binanggit naman ni Ciriaco Lagunsad, executive director ng National Wages and Productivity Commission, na ang pagpapataw ng multa o pag-auction sa mga pag-aari ng kumpanya para mabayaran ang mga manggagawa ng kakulangan sa kanilang kompensasyon ay kabilang sa mga parusa na maaring ipatupad sa mga ayaw sumunod na employer.

Nilinaw naman ni NCR Wage Board Secretary Aida Andres na ang mga kumpanyang hindi pa obligadong magpatupad ng bagong wage order ay bibigyan ng isang taong palugit upang magkaloob ng dagdag na kompensasyon sa kanilang manggagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply