Energy policy ni Noynoy palpak, rebisahin- solon

NANAWAGAN ang isang militanteng kongresista na maghinay-hinay ang gobyerno sa pagpapatupad ng polisiya sa enerhiya, na sa kanyang pagtingin ay isa na namang palpak na hakbangin ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay Gabriel Rep. Luz Ilagan, dapat tutukan at pag-aralan ang pagpayag sa operasyon ng coal mining at coal-fired power plants dahil nakasasama ang mga ito sa kalusugan at kapaligiran.

Aniya, dapat pag-aralang mabuti ng administrasyong Aquino ang mga epekto nito sa mga mining communities sa iba’t ibang panig ng bansa.

Maraming mga babae at mga bata umano ang nagkaroon ng reproductive health diseases, low birth weight at mataas na insidente ng sudden infant death syndrome (SIDS) sa mga nasabing pamayanan.

Sa pag-aaral sa Estados Unidos, may nakita umanong mercury sa mga gatas ng mga inang nakatira sa coal mining communities sa China.

Natuklasan din umanong ang kababaihang nakatira sa mga nasabing komunidad na gumagamit ng coal ay nakaka-develop ng gene mutation para sa lung cancer.

Gayundin, maraming insidente ng SIDS o pagkamatay ng mga sanggol na wala pang isang taong gulang sa mga coal mining communities.

Bukod dito, mababa umano ang timbang ng kanilang mga sanggol at mabilis ding mawala ang gatas ng mga ina.

Ani Ilagan, talagang palpak ang polisiya ng gobyernong Aquino na pabilisin ang eksplorasyon ng langis, gas at coal resources dahil hindi nila kinunsidera ang napakataas na lebel ng toxicity, environmental at health hazards na dala ng coal mining.

Ani Ilagan, sa mga fossil fuels, coal ang pinaka-carbon intensive.

Nakadaragdag umano ito ng 93 porsiyento ng sulfur dioxide emissions, 88 porsiyento ng carbon dioxide emissions at 99 porsiyento ng mercury emissions.

Aniya, mas maganda kung ang aayusin na lamang ay ang alternative sources of energy tulad ng hydroelectric, wind energy at solar energy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply