Engrandeng bakasyon ni Michael V.

WALANG Michael V. sa taping ng “Bubble Gang” last Monday sa Studio 6 ng GMA 7. Nasa bakasyon si Michael V.

Dala niya ang buong pamilya sa bahay niya sa California na  napupuntahan lang kapag  bakasyon sa America.

Talagang bakasyon ang gagawin ng mag-anak at hindi pa rin gagawin sa panahon ng bakasyon ni Michael V. sa US ang taping ng “Pepito Manaloto.”

Napapanahon ang episode ng programa ni Paolo Bediones sa TV 5, ang “USI: Under Special Investigation” dahil sa pagkakapatay ng US Navy Seal kay Osama Bin Laden.

Sa programa ni Paolo ay mas maintindihan ng publiko kung bakit naghahasik ng kasamaan ang ilang religious extremist upang igiit ang kanilang ideolohiya. Naka-usap ng host na si Paolo Bediones ang ilang mga nadakip na terorista at inalam kung ano ang nag-udyok sa kanila para gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Maaaring mapanood ang naturang episode ng USI sa online news portal ng TV5 na InterAksyon.com.

Mapapanood ang USI: Under Special Investigation tuwing Linggo 10pm sa TV5 at 5 p.m. at 10 p.m. sa Aksyon TV Channel 41.

Pumunta sina  Mikael Daez at ang beauty queen na si Lia Andres sa Mar del Plata  International Film Festival sa Buenos Aires, Argentina. Nag-attend ang dalawa sa world premiere ng movie na “Amigo,” isang international film na na parang  Filipino ang buhay ng mga character  na nabuhay nang panahon ng American regime.

Ang movie ay idinirek ni John Sayles. Ipinakita ni direk Sayles ang social criticism ng panahong iyon. Mapapanood ang world premiere sa Linggo, 11 to 11:30 p.m. sa GMA NewsTV Channel 11. Noel Asinas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply